ang mga salita
na gustong bigkasin
ng aking dila
anong magagawa
kung ika'y isinuka
niluwa nang bigla
galing sa bibig
na isinumpa
nakakatawa o nakakaawa
sadyang ligaw
na pagnanasa
pagnanais na di mawari
pinaikot ng inikot
hangat nawala
ang sarili
tanong ay diprensya
ng bigo sa sawi
binubuksang pilit
ng iisang susi
ang kaisipan at
damdaming puno
ng kinalawang na
sandosenang kandado,
nananatiling sarado
sa mga minatamis
mong salitang sinasambit
'di magawang maiulit
ang pagbukas
at pagwakas
ng ninanais na
makaranas
ng isang katotohanang
wagas.
~mje Saturday, April 3, 2010 at 7:19pm
No comments:
Post a Comment