11.10.11

Isda


Gaano kahirap sabihin
na minamahal kita?
Parang nalulunod sa hangin
na 'di makahinga..
Isipa'y tuliro at natutulala
Kinikilig sa san'tabi,
nagmumukha nang tanga..

Gaano kahirap aminin
'di pantay iyong pagkita?
Tuwing ika'y kasama,
kunwari lang masaya...
ngunit yun pala'y
simpleng pakikisama.

Gaano katagal na ba
mula ng kita'y nakilala?
lampas limang taon na..
walang pinagbago ni isa,
ako'y timang na taranta
tuwing lumalapit ka.

Paano maaring matantsa
para makalimot ng iisa?
puso ko'y pagod na...
di maalis na andito ka pa,

bilang malapit na kaibigan,
bilang sandalan sa kagipitan,
bilang isang malalapitan,
lahat pwede maliban...
bilang natatanging kasintahan.

Gaano kahirap maamin
minamahal parin kita?
Nalunod na sa hangin..
Di na humihinga.

  ~mje Monday, July 20, 2009 at 10:50am

No comments:

Post a Comment